Mahigit 70 Pilipino sa India, positibo sa COVID-19

Mahigit 70 Pilipino sa India, positibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang mahigit 70 Pilipino sa India habang dalawa ang binawian ng buhay dahil sa virus.

Ito ang ibinahagi ni Philippine Ambassador Ramon Bagatsing Jr. kaugnay sa kasalukuyang sitwasyon ng mga Pinoy sa naturang bansa.

Gayunpaman, tiniyak ni Bagatsing na inaasikaso na ng employers ng dalawang nasawi na Pilipino ang mga labi nito.

Karamihan sa 73 na Pilipino na COVID-19 positive sa India ay mild at moderate cases lamang.

Nasa 60 hanggang 70% na rin aniya sa kabuuang bilang ng Pilipino sa India ang gustong makauwi na sa Pilipinas sa lalong madaling panahon dahil dito.

Sinigurado naman ni Bagatsing na kahit nakasarado ang embahada ng Pilipinas sa India, nagtayo sila ng paraan ng komunikasyon at namimigay rin sila ng provisions, medicines at repatriation aids.

(BASAHIN: Pilipinas magpapadala ng tulong sa India, bunsod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ng bansa)

 SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *