Mahigit 600 OFW na dating empleyado ng Dubai Duty Free, makababalik muli sa trabaho

Mahigit 600 OFW na dating empleyado ng Dubai Duty Free, makababalik muli sa trabaho

MAKABABALIK muli sa trabaho ang dating mga empleyado ng mga shop ng Dubai Duty Free ayon sa Labor Attache John Rio Bautista ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) ng Dubai.

Bunsod ito sa pagbubukas muli ng ekonomiya ng United Arab Emirates (UAE) matapos ang halos dalawang taong COVID-19  pandemic.

“During the pandemic, Dubai Duty Free needed to lay off some workers. But with the revival of the economy here, the management reached out to us and we have a special facilitation for them. More than 600 Filipino workers will be coming back and their salary is competitive. Every week, we  process not less than 100 contracts for OFWs who will be rehired,” ayon kay Bautista.

Maliban dito, nagpahayag din ang sektor ng pangkalusugan sa Dubai ng interes na kumuha ng mga Filipino professional.

Samantala, naberipika ng POLO ang mahigit 8,000 job orders para sa household service workers (HSWs) simula noong buwan ng Abril at nasa 6,000 hanggang 7,000 naman dito ang dumating na sa Dubai.

“The initial implementation of the memorandum of understanding between the Philippines and UAE is really fruitful. The benefits for our HSWs, as instructed by President Duterte, is stated in the comprehensive employment contract. For instance, the provision of the minimum wage amounting to 1,500 dirhams,” ayon kay Bautista.

Ang halaga ng isang dirham ay aabot sa PhP13.75.

Pinaalalahanan naman ng POLO ang mga naghahanap ng trabaho sa ibang bansa na dumaan sa tamang proseso at bumisita sa website ng Philippine Overseas Employment Administration upang siyasatin ang lehitimong job offers.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *