Mahigit 500K AstraZeneca vaccines na donasyon ng South Korea, dumating na sa bansa

Mahigit 500K AstraZeneca vaccines na donasyon ng South Korea, dumating na sa bansa

NASA kabuuang 539,430 doses ng AstraZeneca vaccines ang dumating na sa bansa na donasyon ng South Korea sa Pilipinas.

Ayon kay NTF Against COVID-19 chief implementer and vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr at  Korean Ambassador to the Philippines Kim Inchul kahit noon pang kasagsagan ng pandemic ay tumutulong na ang South Korea sa bansa.

Samantala, sinabi ni Galvez na mas maganda ang resulta na ginawang National Vaccination Day sa bansa.

Target ng pamahalaan ang 2.5 milyon hanggang 3 milyon ang mabakunahan bawat araw para sa National Vaccination Day.

Bukod sa mga bakunang dumating kagabi ay inaasahan din ang pagdating ng  nasa kabuuang 1,632,900 doses ng AstraZeneca vaccines na donasyon naman ng France sa pamamagitan ng COVAX .

Ang mga bakuna ay darating mamayang alas kwatro ng hapon sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport na sakay ng Emirates Airlines Flight EK332.

Habang mamayang pasado alas nueve ng gabi ang inaasahang pagdating ng 1,078,740 doses ng Pfizer vaccines.

Ang bakuna Pfizer ay bahagi at unang batch sa 2,394,990 doses na binili ng gobyerno ng Pilipinas.

Susunod na darating bukas, Disyembre 2at  Disyembre 4 ang natitirang pang doses na higit isang milyong dosis.

Inaasahan naman ngayong araw ang pagdating dito sa NAIA Terminal-4 para sa pagbisita nito sa ika tatlong araw na ginagawang pakikiisa sa National Vaccination Day sa paliparan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *