Mahigit 41-M Pilipino, bakunado na laban sa COVID-19

Mahigit 41-M Pilipino, bakunado na laban sa COVID-19

HIGIT 41 milyong Pilipino na ang bakunado na ng COVID-19 vaccines sa bansa ayon sa National Task Force Against COVID-19.

Sa ulat ng ahensiya, umabot na sa 41,247,552 doses na ang naipamahagi hanggang Setyembre 18 ng taong ito.

Base sa National COVID-19 vaccination dashboard data, may 22, 771, 602 Pinoy na ang nakatanggap ng first dose habang mahigit 18 million naman ang fully vaccinated.

Sa isang linggo, 374, 612 ang average ng mga bakunang naituturok bawat araw.

Sinabi naman ni vaccine czar at NTF chief Secretary Carlito Galvez Jr., target ng pamahalaan na ma-fully vaccinated na ang mahigit 20 milyon katao sa bansa sa katapusan ng Setyembre.

Inaasahan din aniya ng national government na mas tataas pa ang turnout sa lahat ng mahigit 2,000 operating vaccination sites sa buong bansa ngayong kasama na ang mga essential workers at indigent people sa mga babakunahan sa mga rehiyon at probinsya.

Mahigit 64 million doses ng COVID-19 vaccines na ang na-ideliver sa bansa matapos dumating kagabi ang karagdagang 3 million doses ng Sinovac at mahigit 2 million doses ng Pfizer vaccines.

Darating pa din sa mga susunod na linggo ayon kay Galvez ang mahigit 34 million doses ng COVID-19 vaccines.

BASAHIN: Karagdagang mahigit sa 5-M dosis ng bakuna, dumating sa bansa simula kagabi

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *