na mga kabataan
National

Mahigit 4,000 na mga kabataan, nag-apply sa pagka-pulis

MAHIGIT 4,000 na mga kabataan ang nag-apply sa pagka-pulis ngayong semester.

Sa panayam ng Sonshine Radio at SMNI News kay NCRPO Chief P/MGen. Guillermo Eleazar, nagulat aniya sila sa rami ng bilang ng aplikante dahil 300 lamang ang quota nila para ngayong semestre.

Ayon kay Eleazar, maaaring nakita ng mga ito ang mataas na suweldo at ang gumagandang imahe ng kapulisan kaya tumaas ang bilang ng gustong pumasok sa kanilang hanay.

Kaya naman, nagbabala na rin si Eleazar na hindi siya manghihinayang na magsibak ng mga tiwaling pulis dahil marami pang mas kwalipikado na pwedeng ipalit sa kanila.

Maraming kabataan ang gustong mag-join dito dahil nakikita nila na maganda ang pinupuntahan ng ating Philippine National Police. Kaya iyan, isang pagpapatunay na sa aming hanay, sa mga pulis namin na nasa organisasyon, mahalin niyo ang trabaho niyo. Kasi kung hindi niyo mamahalin at maglolokohan kayo, hindi kami maghe-hesitate palitan namin kayo, andaming gustong mag-pulis,” ayon sa NCRPO chief.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *