tourist
Business National

Mahigit 3M tourist, bumisita sa Pilipinas sa unang limang buwan

PUMALO na sa halos 3.5 milyon na tourist ang naitalang bumisita sa Pilipinas sa unang limang buwan ng 2019.

Sa tala ng Department of Tourism, umabot na sa 3, 489, 270 foreign tourists ang nagtungo sa bansa mula Enero hanggang Mayo ngayon taon.

Mas mataas ito ng 9.76% kumpara sa kaparehong panahon noong 2018.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ang paglago ng bilang ng turista ng bansa ay nagpapakita lamang na ang pangangalaga sa kapaligaran ay nareresulta rin ng economic gain.

Sa datos ng ahensya, nangunguna pa ring source markets ng bansa ang South Korea na mayroong 788, 530 bilang ng turista at ikalawa ang China na may 733, 769.

Sinundan ito ng mga turista mula sa Amerika kung saan naitala ang halos 500,000, pang-apat ang Japan na mayroon halos 300,000 at panglima ang Taiwan na mayroong mahigit 100,000.

Pasok din sa top source markets ng bansa sa tourists arrivals ang Australia, Canada, UK, Singapore at Malaysia.

Magugunitang noong nakaraang taon nang maitala ang pinakamataas na bilang ng turista sa bansa na umabot sa mahigit 7 million sa kabila ng anim na buwang pagkakasara ng Boracay Island.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *