Mahigit 30K body camera kakailanganin —PNP Chief

Mahigit 30K body camera kakailanganin —PNP Chief

KINAKAILANGAN  ng Philippine National Police (PNP) ang karagdagang 32,136 na mga body camera upang makumpleto ang 34,832.

(BASAHIN: Police body cameras at maigting na internal cleansing, ipinanawagan sa bagong PNP Chief)

Ayon sa kay PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar, ang mga nasabing body camera ay para gagamitin sa mga operasyon ng pulisya partikular na sa isasagawang mga search warrant.

“Prinucure namin ito para talagang gamitin, and ni-request nga namin na as soon as possible may protocol na yan ang guidelines galing from the Supreme Court. At sa amin naman matapos na lahat requirements natin at least for the service of search warrants in areas where these body-worn cameras are issued is i-require natin yan,” pahayag ni Eleazar.

Layunin ng mga biniling body camera ay upang mahinto na ang mga alegasyon sa mga operasyon dahil sa kaliwa’t kanan na mga paratang na di umano’y mga judicial killing.

 “At ako naniniwala this will really help not only for the protection sa mga sinasabi nating mga victims na being arrested but also protection din namin. Kasi minsan eh lahat na lang…para bang automatic na kung anumang allegations,” ayon pa ni Eleazar.

Sinabi rin ng hepe na kung may mga encounter ay iimbestigahan kung bakit nangyari at kung may mga pag-abuso ay hindi rin naman ito palalampasin at kukunsintihin dahil magkakaroon din ng imbestigasyon  para maging patas ang lahat na mga proseso.

Nauna nang nakakuha  ang PNP ng paunang  2,696 body cameras mula sa EVI Distribution Inc. na naka-base sa San Juan City.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *