Mahigit 300,000 na mga Dabawenyo fully vaccinated na

Mahigit 300,000 na mga Dabawenyo fully vaccinated na

MAHIGIT 300,000 Dabawenyo ang fully vaccinated na sa Davao City anim na buwan matapos simulan ang COVID-19 vaccination program.

Base sa tala ng Davao City vaccination cluster hanggang Agosto 17, mahigit 300 residente ng lungsod ang nabakunahan na o fully vaccinated na.

Ayon sa vaccination cluster nasa total na 303, 282 na mga COVID-19 vaccines ang naiturok sa mga residenteng Dabawenyong fully vaccinated na.

Base sa breakdown nasa 43,370 ay mula sa Priority Group A1 o ang mga health workers, 80, 125 ay ang Priority Group A2 o mga senior citizens, 111,646 ay ang Priority Group A3 o persons with comorbidities, 61, 290 o Priority Group A4 o essential workers at 6,821 o A5 o ang mga indigent population kabilang na ang mga residente mula sa indigenous peoples o IP communities.

Ang 300, 000 libong nabakunahan ay nasa 15 percent na ng target na 1.2 million vaccinees upang makamit ang herd immunity.

Samantala, nasa 465, 391 naman ang nakatanggap na ng first dose.

Matatandaan na Marso ng kasalukuyang taon nang magsimulang magbakuna laban sa COVID-19 ang lungsod at ilan sa mga bakunang ginamit dito ay ang Sinovac, AstraZeneca, Pfizer-Biontech, Jhonson and Jhonson, Gamelaya Sputnik V at Moderna.

Kamakailan sinabi rin ni Mayor Sara Duterte na target ng pamahalaang lungsod na makapagbakuna ng 10,000 hanggang 15,000 na indibiwal kada-araw upang makamit ang immunity bago matapos ang taon.

SMNI NEWS