Mahigit 3,000 PNP personnel, umayaw sa COVID-19 vaccine

Mahigit 3,000 PNP personnel, umayaw sa COVID-19 vaccine

TINANGGIHAN ng ilang personnel ng Philippine National Police (PNP) ang magpabakuna kontra COVID-19.

Subalit nilinaw ng mga ito na personal naman ang dahilan kung bakit sila tumanggi na magpabakuna kontra COVID-19.

Batay sa ulat, aabot sa 3, 636 ang hindi nagpabakuna o katumbas sa 1.63% sa kabuuang populasyon.

Gayunman, 219, 514 naman sa Philippine National Police (PNP) personnel ay fully vaccinated na.

193, 347 dito ang fully-vaccinated habang 26, 167 ang nakatanggap na ng kanilang first dose.

Dahil dito, magiging limitado lang ang magiging assignment ng mga ito sa kanilang tanggapan.

223, 150 ang kabuuang populasyon ng Philippine National Police na matapat na nagsisilbi sa kanilang tungkulin sa bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *