Bagyong Ramon
National

Mahigit 3,000 indibidwal sa Region 2 at 5, apektado ng Bagyong Ramon

PUMALO na sa mahigit tatlong libong katao ang apektado sa Region 2 at 5 dahil sa Bagyong Ramon.

Sa pinakabagong datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o (NDRRMC), 848 pamilya o 3,479 katao sa 46 na mga barangay sa region 2 at 5 ang apektado.

Sa nasabing bilang, 290 pamilya o 1,059 indibidwal ang pansamantalang naninirahan sa 20 evacuation centers.

Sinabi rin ng NDRRMC na nasa 16 bahay sa Bicol Region ang napinsala.

Sa ngayon, patuloy na nagbabadyang mag-landfall ang Bagyong Ramon mamayang hapon o gabi sa Babuyan Islands.

Ilang klase, suspendido dahil sa sama ng panahon at lindol

Suspendido ang klase ngayong Martes, November 19 sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa mga sumusunod na lugar dahil sa sama ng lagay ng panahon dulot ng Bagyong Ramon.

Cagayan, Conner Apayao, mga bayan ng Batac, Currimao, Laoag, Pagudpud, Paoay at San Nicolas sa Lalawigan ng Ilocos Norte.

Kanselado rin ang pasok sa pre-school hanggang elementarya sa pampubliko at pribadong paaralan ng Baguio City at preschool naman sa Benguet at san Fernando City, La Union.

Inaasahang magla-landfall ang Bagyong Ramon mamayang hapon o gabi sa Babuyan Group of Island.

Samantala, kanselado rin ang pasok sa lahat ng antas sa mga bayan ng Maramag, Quezon, Kadilingan at Valencia sa lalawigan ng bukidnon.

Ito ay upang bigyang daan ang pag-inspeksyon ng mga paaralan at building dahil sa pagtama ng 5.9 magnitude na lindol.

NDRRMC, binabantayan ang landslide prone areas

Tinututukan ng NDRRMC ang mga lugar kung saan madalas magkaroon ng pagguho ng lupa o landslide maliban sa mga pagbaha.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, nakaalerto ang kanilang emergency response team lalo’t tinutumbok ng Bagyong Ramon ang malaking bahagi ng Luzon.

Nagbigay na rin sila ng babala sa landslide prone areas partikular sa mga lugar na unang dinaanan ng Bagyong Quel.

Patuloy na pinapayuhan ang publiko sa maging alerto at makinig sa mga awtoridad lalo na kung kinakailangang lumikas.

Sa tala ng Mines and Geosciences Bureau (MBG), 420 barangay sa regions I, II, V at CAR ang flood at landslide probe.

SMNI NEWS

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *