Chinese nationals
National

Mahigit 300 naarestong Chinese nationals, idineport na

NASA 312 ang kabuang bilang ng Chinese nationals ang   ipinatapon ng Bureau of Immigration pabalik ng China ngayong araw.

Ang mga naturang dayuhan ang kabilang sa mahigit 500 naaresto ng BI nito lamang October 9, 2019 sa isang gusali sa Pasay City.

Ayon sa Bureau of Immigration kasama rin sa naturang deportation ang 21 minors na mga dayuhan na natagpuan sa isinagawang operasyon sa naturang gusali.

Tatlong magkakahiwalay na chartered China Eastern Flight patungong China ang ipinadeport na mga foreign national ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport.

Alas 3:00 kaninang madaling araw ang unang flight schedule  sa deportation ng mahigit 100  daang foreign national  mula sa NAIA Terminal-1 habang ang susunod na chartered flight ay mamayang   alas 8:00  hangang 9:00 ng  gabi.

Kung matatandaan nagsagawa ng massive raid ang BI sa business processing outsourcing office sa Millenium Building sa siyudad nung nakaraang linggo kung saan kabilang ang Chinese, Burmese, Malaysians, Vietnamese, Taiwanese at Indonesians nationals na nagsasagawa ng scamming operations

Ang ibang nabanggit na naaresto ay pansamantala munang nasa kustodiya ng NRCPO sa Camp Bagong Diwa at nakatakdang ilipat sa BI Warden Facility para sa pagriles na kanilang deportation orders at clearances.

CHERRY LIGHT

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *