isulan
Regional

Mahigit 18 katao, sugatan sa pagpapasabog sa Isulan, Sultan Kudarat

HINDI bababa sa 18 katao ang naitalang sugatan sa naganap na pagsabog sa isang kainan sa bayan ng Isulan, sa Sultan Kudarat kahapon ng hapon.

Sa inisyal na imbestigasyon, isang improvised explosive device ang ginamit na pagpapasabog.

Nangyari ito sa loob ng Carlitos Chicken sa Barangay Kalawag 2 sa naturang bayan.

Batay sa report ng Isulan local government, kabilang sa mga naitalang sugatan ang anim na menor de edad at isang buntis.

Kaugnay nito, bumuo na ang PNP ng Special Investigation Task Group “Carlito” para imbestigahan ang naganap na pagsabog.

Sa ngayon, ito na ang ikatlong pagsabog sa bayan ng Isulan sa nakalipas na walong buwan.

Kabilang dito ang August 28 at September 2 bombing na ikinasawi ng limang katao at pagkasugat ng 48 iba pa.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *