Mahigit 150 Para-athletes, sasabak sa online chess contest ng Pilipinas Para Games

Mahigit 150 Para-athletes, sasabak sa online chess contest ng Pilipinas Para Games

SASABAK ang mahigit 150 Para-athletes sa buong bansa sa 2021 Philippine Sports Commission (PSC) – Pilipinas Para Games (PPG) online chess competition na magsisimula sa Nobyembre 19.

Ayon kay PSC Oversight Commissioner for Para-athletes, Arnold Agustin, itoý isang proyekto na inilulunsad upang tugunan ang pangangailangan sa pagpapaunlad ng grassroots sports para sa mga Para-athlete.

Magsisimula ang kompetisyon sa Nobyembre 19 sa pamamagitan ng zoom, mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon at magtatapos naman sa Nobyembre 21.

Ang mga mananalo ay makakatanggap ng mga medalya, certificate of excellence, at cash incentives.

Samantala, ang PPG ay katuwang ang Philippine Paralympic Committee at ang Integrated Philippine Association of Optometrists para sa klasipikasyon ng mga rehistradong Para-atleta.

Maaari namang ipadala ng mga rehistradong Para-athletes ang kanilang mga kinakailangan sa pilipinasparagames@gmail.com at sa opisyal na Facebook page nito.

Ang opisyal na listahan ng mga kalahok ay iaanunsyo sa Nobyembre 12.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *