fare matrix
National

Mahabang pila sa pagkuha ng fare matrix isinisisi sa LTFRB

ISINISISI ng ilang miyembro ng jeepney drivers at operators ang mahabang pila sa pagkuha ng kopya ng fare matrix.

Kung kayat karamihan sa mga ito ay wala pang maipakitang bagong taripa sa gitna ng kanilang pamamasada.

Ito ang kinumpirma mismo ni UP-Pantranco Drivers and Operators Association President Romeo Pascual.

Ayon kay Pascual karamihan sa mga dryaber nila ay may edad na.

At sa haba ng pila sa pagkuha ng fare matrix ay mas pinipili nalang nito na umuwi.

Hindi kaya ay ituloy ang pamamasada kaysa mawalan ng kita.

Sumusunod pa rin naman aniya sila sa panuntunan sa hindi paniningil ng dagdag-pasahe hangga’t walang fare matrix.

Nananatili pa rin sila sa P8 kumpara sa P10 na ipinatutupad ng mga jeepney na may opisyal na fare matrix.

Anila, takot din sila na mahuli ng mga otoridad kaysa walang kitain.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *