Magsasaka arestado sa Pulisya ng Bukidnon dahil sa Paglabag ng RA 9165

Magsasaka arestado sa Pulisya ng Bukidnon dahil sa Paglabag ng RA 9165

NAGSAGAWA ng buy bust operation ang pulisya ng Don Carlos Municipal Police Station na pinamunuan ni PSMS Celestino L Bacalso sa ilalim ng direktang pangangasiwa ng PMaj Patrick Jess Pascual Paguirigan, ang OIC.

Naganap ang nasabing operasyon sa P-10, Poblacion Sur, Don Carlos, Bukidnon bandang 8:40 ng gabi ng Setyembre 11, 2020.

Nahuli naman sa nasabing buy bust operation ang suspek na si Rico Leo Dagdagan y Lanayan, 35-taong gulang at hindi benepisyaryo ng 4Ps at SAP, nakatira sa P-11, Valencia City, Bukidnon.

Nakumpiska mula sa suspek ang mga sumusunod:

Dalawang (2) piraso ng transparent plastic sachet sa malaking sukat na naglalaman ng puting mala-kristal na sangkap ng hinihinalang shabu (p` ossession Item) na may tinatayang kabuuang bigat na 11.764 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php 80,000.

Isang (1) piraso ng walang laman na pakete ng sigarilyo.

Tatlo (3) na piraso ng Aluminium foil strip.

Isang (1) unit I phone touch screen cellphone.

Isa (1) yunit ng Kawasaki Barako Motorsiklo nagdadala ng chassis blg. BC175A-B7777B at Engine No. KHIR 001.

Pera na nagkakahalaga ng Isang libong isang daang piso (PHp1,100.00)

Tinatayang nasa PhP81, 000.00 ang halaga ng nasamsam ng iligal na droga na may bigat na 11.91 gramo.

Dinala sa Don Carlos MPS ang nadakip na suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon habang ang mga nakumpiskang piraso ng ebidensya ay dadalhin sa Provincial Crime Laboratory Office, Malaybalay City, Bukidnon para sa pagsusuri.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *