wagi
Sports

Magnolia Hotshots, wagi matapos ilampaso ang Phoenix Pulse sa PBA Governors Cup

WAGI ang Magnolia Hotshot matapos ilampaso ang Phoenix Pulse sa kanilang paghaharap sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup.

Nagtapos ang banggaan ng dalawang koponan sa iskor na 97-81.

Bumida sa panalo ng Magnolia si Romeo Travis na nakapagtala ng 20 points at 15 rebounds.

Dagdag pa ang ambag na 17 points ni Ian Sangalang at 15 points ni Paul Lee.

Sa ngayon ay nasa ika-anim na puwesto ang Hotshots na mayroong limang panalo at apat na talo habang nasa pang-sampung puwesto naman ang Pulse na may dalawang panalo at pitong talo.

Nasayang naman ang ginawang 24 points ni Alonzo Gee para sa Pulse.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *