Magna Carta of the Out-of-School Youth
National

Magna Carta of the Out-of-School Youth Bill, lusot na sa Kamara

PASADO na sa 3rd and final reading sa Kamara ang House Bill No. 9103 o ang proposed Magna Carta of the Out-of-School Youth kasunod ng pagbubukas ng School Year 2019-2020.

Sakop ng panukala ang pagbibigay social protection sa out of school youth o OSY, pati na ang pagtatayo ng inter-agency council na magsisiguro na matatanggap ng mga ito ang mga government benefits.

Sakop ng OSY ang populasyon sa pagitan ng age gap na 15-30 years na kasalukuyang walang trabaho, hindi nag-aaral at hindi nakatapos ng kolehiyo o anumang post-secondary course.

Ang National Youth Commission (NYC) naman ang mangangasiwa sa pondo, programa at mga benipisyong ipagkakaloob sa mga OSY sa oras na maisabatas ang panukala.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *