Japan, maglalaan ng hotel na mayroong 300 kwarto para sa Tokyo Olympics

Japan, maglalaan ng hotel na mayroong 300 kwarto para sa Tokyo Olympics

MAGLALAAN ang Japan ng hotel na mayroong 300 kwarto para sa Tokyo Olympics.

Nagpaplano ang organizing committee ng Tokyo Olympics at Paralympics na maglaan ng hotel na mayroong 300 kwarto para sa mga atleta na mayroong minor at walang sintomas ng COVID-19.

Ito ay isang hakbang muli mula sa organizing committee para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa kasagsagan ng summer games.

Ang mga atleta at olympic staff members na hindi kinakailangang ma-ospital ay kinakailangang i-quarantine sa hotel rooms ng 10 araw.

Magrereserba umano ang komite ng 1 buong hotel building na matatagpuan ilang kilometro lamang mula sa Athlete’s Village sa Tokyo Harumi Waterfront District.

Maglalaan rin umano ito ng 30 espesyal na sasakyan para maprotektahan ang mga driver mula sa impeksyon para mailipat ang mga pasyente ng COVID-19 sa hotel.

Samantala, ang mga atleta ay makakatanggap ng COVID-19 test tuwing 4 na araw ito ay na sa ilalim ng mga panuntunang inilabas noong Pebrero para sa Tokyo Games. Nakatakdang magsimula sa katapusan ng Hulyo pagkatapos ng 1 taong pagkaantala dahil sa pandemya.

Matatandaang nangako ang gobyerno ng Japan ng ligtas na Olympics at Paralympics kasunod ng 1 taon na pagkakasuspinde dahil sa COVID-19.

(BASAHIN: Japan, sinuspinde ang Olympic Torch Exhibition dahil sa pangamba sa COVID-19 pandemic)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *