binuweltahan
Showbiz

Mag-asawang Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan, binuweltahan si Pangulong Duterte

BINUWELTAHAN ng mag-asawang Sharon Cuneta at Senator Francis Pangilinan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos sabihin ni Pangulong duterte na nagkakaroon ng problema ang pagsasama nina Kiko at asawang si Sharon.

Sa kaniyang social media, nagpost ang senador ng larawan na katabi ang asawang singer actress na magkayakap at nakatawa.

Maging si Sharon ay nag-post din at sinabing kung sakaling nagkaroon man ng problema sa kanilang pagsasama ay mismo siya ang magkukumpirma nito sa fans.

Nag-post din ang mag-asawa ng video na magkasama sila sa bukid kasama ang ilang kaibigan.

Magugunitang sa kaniyang talumpati noong Andres Bonifacio Day, sinabi ni Pangulong Duterte na bababa ito ng puwesto kung nagsisinungaling siya na pinapalayas sa kanilang bahay ang senador dahil sa problema sa kanilang pagsasama.

Si Pangilinan ay kabilang sa mga binanatan ng Pangulo dahil sa batas na iniakda nito na nagpapababa sa minimum age ng criminial responsibility sa kinse anyos.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *