Mabilis na ECQ ayuda distribution, iniutos ni Pangulong Duterte

Mabilis na ECQ ayuda distribution, iniutos ni Pangulong Duterte

INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte na agad ipamahagi ang ayuda sa mga Pilipino ngayong panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), bahala na ang mga local government units (LGUs) kung may mekanismong susundin para mapabilis ang pamamahagi ng ayuda.

Naipamahagi na sa mga pamahalaang lokal ng Metro Manila ang P10.894 bilyong gagamitin para sa ayudang ibibigay sa mga apektadong residente sa ilalim ng ECQ.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na nagkasundo ang mga alkalde na sa Miyerkules, Hulyo 11,  ipamahagi ang cash-aid.

Hiling naman ni Pangulong Duterte sa mga LGUs, ani Roque na bilisan ang distribusyon ng ECQ ayuda.

‘’Ang pakiusap po ng Presidente at the soonest time possible. Pero alam po natin dahil nga sa pandemya ‘pag mamabilisin natin ‘yan ay magkakaroon nang pagtipun-tipon ‘no, so open naman po ang gobyerno na pahabain iyong period ng distribution. Pero pakiusap lang po, at the soonest time possible,’’ayon kay Roque.

Sinabi naman ni Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista na ang mga LGUs ang tutukoy kung anong hakbang ang gagawin para mas mabilis at maayos na distribusyon.

‘’Ayon na rin sa Local Budget Circular (LBC) No. 138 katulad ng nabanggit natin, the LGU shall determine the most efficient and effective way of release of assistance at sila ay may option na makipag-engage sa Financial Service Providers (FSPS) para maipamahagi ang ayuda sa loob ng 15 calendar days na itinakdang deadline alinsunod sa JMC,’’ayon kay Bautista.

SMNI NEWS