MRT-3
Metro

Mababang kita ng MRT, isinisi sa dating maintenance provider

ISINISI ng pamunuan ng Metro Rail Transit MRT-3 sa dating maintenance provider ang kanilang mababang kita noong nakaraang taon.

Ayon kay Metro Rail Transit Director for Operations Michael Capati, ang Busan Universal Rail Incorporated (BURI) ang dahilan ng low revenue collection nila noong 2018.

Sinabi ni Capati na tatlo lang mula sa 40 tren ng MRT ang na-overhaul o na-repair ng Buri kaya nabawasan ang bilang ng mga tren na bumiyahe kada araw.

Dahil dito, natapyasan din ang bilang ng mga pasahero na sumasakay kada araw mula sa 140-million noong 2017 ay bumaba ito sa 104-million noong 2018.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *