YELLOW ALERT
National Regional

Luzon Grid, muling isasailalim sa Yellow Alert mamayang hapon

SA ikaapat na sunod na araw, muling isasailalim sa Yellow Alert ang Luzon Grid bunsod pa rin ng manipis na reserba ng kuryente.

Iiral ang alerto mula mamayang 1:00 ng hapon hanggang 4:00 ng hapon.

Nasa 920 megawatts ang nawala sa grid dahil sa pagpalya ng Pagbilao 3, SLTEC 1 at Malaya 2.

Bawas din ang power generation ng apat na iba pang planta sa Luzon.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *