Yellow at Red Alert
National

Luzon Grid, muling inilagay sa Yellow at Red Alert sa ikaapat na sunod na araw

MULING itinaas ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa Yellow at Red Alert ang Luzon Grid.

Dahil ito sa manipis na naman ang reserba ng kuryente ngayong araw.

Isinailalim sa Yellow Alert ang grid mula kaninang alas-9 hanggang alas-10 ng umaga at muling iiral mamayang alas-11 ng umaga hanggang ala-1 ng hapon at mula alas-4 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.

Naka-Red Alert naman ang grid mula ngayong alas-10 ng umaga hanggang alas-11 ng umaga at mamayang ala-1 ng hapon hanggang alas-4 ng hapon.

May available capacity kasi sa kuryente ngayong araw na 11,217 megawatts habang nasa 10,995 megawatts ang peak demand.

Ito na ang ikaapat na sunod na araw ngayong linggo na isinailalim sa alerto ang Luzon Grid.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *