official crown sponsor
Showbiz

Luxury jeweler mula Dubai, official crown sponsor ng Miss Universe

KINUMPIRMA ng Miss Universe Organization (MUO) na ang world-renowned luxury jeweler na Mouawad mula Dubai ang napili nila na maging official crown sponsor ngayong taon.

Bukod sa Dubai, mayroon din headquarters ang nasabing jewelry maker sa United Arab Emirates at sa Geneva, Switzerland.

Sa ngayon ay nakapatong pa sa Pinay Miss Universe na si Catriona Gray ang prestihiyosong Mikimoto Crown na aksidenteng nasira ang bahagi ng perlas nito sa kasagsagan ng kanyang homecoming parade sa Pilipinas.

Ang Mikimoto Crown ay gawa ng Japanese jewelry designer na nagkakahalaga ng US$250,000 o katumbas ng P12.5 million.

Samantala, wala pang inaanunsyo ang MUO para sa final venue ng Miss Universe Coronation sa darating na Disyembre ngayong taon.

Sa kabila nito, may mga umuugong na nag-aagawang maging host country ay ang United Arab Emirates at South Korea at Israel.

Habang kumalat din ang litrato ni MUO President Paula Shugart na dumating sa bansa para raw bisitahin ang Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Pambato ng Pilipinas ngayong taon ang half Palestinian model na si Gazini Ganados na tubong Zamboanga pero lumaki sa Cebu.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *