Lungsod ng San Juan, nag-alok ng on-site auto sweep RFID installation

Lungsod ng San Juan, nag-alok ng on-site auto sweep RFID installation

NAGSAGAWA ang lokal na pamahalaan ng San Juan City ng on-site installation ng auto sweep Radio Frequency Identification (RFID) stickers sa nasa 2,000 sasakyan.

Sinabi ni Mayor Francisco Zamora na nakipag-ugnayan ang kanilang pamahalaan sa San Miguel Cooperation para sa one-day installation event matapos na humiling ang mga residente nito na magkaroon ng auto sweep installation sa lungsod.

Ani Zamora, personal niyang tinanong ang SMC na isagawa ang programang ito upang hindi lang matulungan ang mga San Juanenons na makabitan ng RFID stickers, kundi pati na rin matulungan ang SMC at LGUs na apektado ng matinding trapiko na sanhi ng implementasyon ng bagong RFID policy sa mga expressways.

Ang paglalagay ng RFID ay idinaan sa first-come, first-serve basis para sa 2,000 mga sasakyan.

Matatandaan na noong nakaraang buwan naman ay naglunsad din ang lungsod ng drive-thru installation ng EasyTrip RFIDs para sa 1,000 mga sasakyan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *