Lungsod ng Manila naglabas ng guidelines para sa pagpapatupad ng MECQ

Lungsod ng Manila naglabas ng guidelines para sa pagpapatupad ng MECQ

WoodProfit

DAHIL sa naibalik na simula ngayong araw ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ay muling nagpaalala ang Manila City Government.

Nagpalabas ang pamahalaan ng patnubay patungkol sa pagpatutupad ng ECQ sa lungsod.

Kabilang na dito ang mahigpit na ipatutupad ang paggamit ng quarantine pass at odd/even scheme sa lahat ng barangay sa Lungsod ng Maynila.

[su_slider source=”media: 4985,4986″ limit=”26″ link=”lightbox” width=”1600″ height=”860″ pages=”no” mousewheel=”no” autoplay=”3000″ speed=”500″]

Para sa mga quarantine pass number na nagtatapos sa:

  • Odd Number (1,3,5,7,9)

Maaaring lumabas simula 5:00 AM hanggang 9:00 PM tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes; at 5:00 AM hanggang 1:00 PM tuwing Linggo.

  • Even Number (2,4,6,8,0)

Maaaring lumabas simula 5:00 AM hanggang 9:00 PM tuwing Martes, Huwebes at Sabado; at 2:00 PM hanggang 9:00 PM tuwing linggo.

PHOTO JOB

Isa lamang sa kada pamilya ang mabibigyan ng MECQ pass na nasa edad 21 hanggang 59 yrs old.

Nagpalaala din ang Manila LGU sa Manilenyo na tuloy rin ang pagpapatupad ng curfew hours sa lungsod mula 10:00 PM hanggang 5:00 AM alinsunod sa City Ordinance No. 8647.

Ang paglabas ng bahay ay nililimitahin din sa pagbili ng mga kinakailangan gaya ng pagkain at gamut.

Ipinagbabawal din ang paglalaro at pagtatambay sa labas ng bahay lalo na ang gawaing dinadaluhan ng maraming tao.

Para naman sa mga nagtatrabaho sa mga pribadong tanggapan ,company ID lamang ang kanilang ipapakita upang sila ay makapasok sa trabaho.

Ang mga stall holders at vendors sa mga pampublikong pamilihan ay kukuha ng certificate mula sa market master ng pamilihan.

Habang ang mga vendor sa talipapa ay kukuha ng kanilang certificate mula sa punong barangay na nakakasakop sa naturang talipapa.

Pansamantalang isinususpinde ang pampublikong transportasyon sa Kalakhang Maynila simula ika-4 hanggang ika-18 ng ng Agosto.

Ayon sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), pansamantala ring pagbabawalan ang pagpasada ng mga tri-wheel vehicles tulad ng tricycle at pedicab sa kasagsagan ng MECQ sa lungsod.

Mahigpit ring ipagbabawal ang pagsasakay ng pasahero ng mga motorsiklo o ‘backriding’ sa Maynila.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *