Luis Manzano, bukas ba sa planong pumasok sa pulitika?

Luis Manzano, bukas ba sa planong pumasok sa pulitika?

HINDI pa iniisip ng aktor na si Luis ‘Lucky’ Manzano ang pagpasok sa pulitika.

Ayon kay Lucky, dati na niyang sinasagot ang tanong kung papasok ba siya sa mundo ng pulitika ng isang tanong din – ito ay kung iboboto ba siya ng tao?

Paliwanag ng actor-TV host, wala pa itong planong sumunod sa yapak ng inang si Lipa Congresswoman Vilma Santos.

Aniya, busy pa rin siya sa mga mas prayoridad niyang ginagawa ngayon lalo at bagong kasal pa ito sa aktres na si Jessy Mendiola.

Looking forward naman si Luis sa pagiging tatay ng kanilang unang baby ni Jessy kaysa sa maging tatay ng Lipa City.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *