random drug testing
National

LTO, magsasagawa ng random drug testing sa mga PUV drivers

MAGKAKAROON ng random drug testing ang LTO o Land Transportation Office sa mga empleyado nito at mga PUV o public utility vehicle drivers simula ngayong buwan hanggang Disyembre.

Ayon sa pamunuan ng LTO alinsunod ito sa Executive Order No. 66 Philippine Anti-Illegal Drugs Strategy o PADS, para masiguro na drug-free workplace ang isang kagawaran sa pamamagitan ng unannounced drug testing sa lahat ng empleyado at nasasakupan nito.

Layunin din ng nasabing random check sa mga PUV drivers sa kanilang terminal na masigurong walang mangyaring drug related accidents at ligtas ang mga pasahero nito.

Isasagawa ang biglaang pagsususi ng LTO Law Enforcement Service katuwang ang PDEA lalo na sa panahon na marami ang mga pasahero gaya ng undas.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *