LPA
National

LPA sa Northern Cagayan, isa ng Tropical Depression

Naging ganap ng Tropical Depression ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan sa hilagang bahagi ng Cagayan.

Sa huling weather bulletin ng PAGASA, pinangalanan ang panibagong bagyo na Inday.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometer per hour at pagbugso mula sa gitna na aabot sa 65 kph.

Kumikilos naman ito sa direksyong pasilangan sa bilis na labing limang kilometro kada oras.

Inaasahan namang lalakas pa ito sa loob ng 24 oras.

Malabo naman itong maglandfall sa alinmang kalupaan ng bansa at wala rin itong direktang epekto sa bansa ngunit palalakasin nito ang hanging habagat na magdadala ng pag-ulan sa bansa.

Inaasahan naman na lalabas ito ng bansa sa Sabado.

Sa ngayon, nananatiling nakataas ang orange rainfall warning sa Bataan at Zambales habang yellow warning naman sa Metro Manila, Rizal, Pampanga, Tarlac, Bulacan Nueva Ecija at Northern Quezon.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *