Silangang Visayas
National

LPA na namataan sa Silangang Visayas, ganap nang bagyo

ISA nang ganap na bagyo ang Low-Pressure Area (LPA) na namataan sa Silangang Visayas.

Ayon sa Pagasa, inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang tropical depression ngayong araw at papangalanang “Marilyn.”

Base sa 5AM bulletin ng Weather Bureau, huling namataan ang weather disturbance sa layong 1,180 kilometro silangan ng Visayas.

May lakas ito ng hanging aabot sa 45 kilometer per hour (KPH) malapit sa gitna at pabugsong umaabot sa 55 KPH.

Magdadala ang trough o extension ng tropical depression ng maulap na papawirin may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Eastern Visayas, Bicol Region at sa mga probinsya ng Quezon at Aurora.

Habang patuloy na iiral ang southwest monsoon o habagat sa Luzon na magdadala ng maulap na papawirin may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Zambales at Bataan.

Makararanas naman ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan bunsod ng localized thunderstorms.

 SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *