Lovi Poe, kinumpirma ang pagbida sa isang Hollywood movie

Lovi Poe, kinumpirma ang pagbida sa isang Hollywood movie

KINUMPIRMA ng aktres na si Lovi Poe sa kanyang Instagram post ang partisipasyon nito sa Hollywood movie na ‘The Chelsea Cowboy’.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe)

Ang pelikula ay  halaw sa makulay at kontrobersiyal na buhay ni John Bindon na isang  English actor nakilala sa pagiging “gangster” at may koneksiyon sa London underworld noong nabubuhay pa siya.

Ang karakter ng British blues singer na si Dana Gillespie ang gagampanan ni Lovi sa naturang film.

Ang singer ang may malaking papel kaya nakilala ni Brindon ang mga sikat na tao noon kabilang na si Princess Margaret.

Ilan sa mga aktor na makakasama ni Lovi sa ‘The Chelsea Cowboy’ay sina Alex Pettyfer, Poppy Delevingne at Idris Elba.

Nasasabik naman ang Filipina aktres sa gagawing taping ng naturang pelikula na magsisimula ngayong Oktubre.

Alex Gonzaga, nabiktima ng mga snatcher

Labis ang pasasalamat ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga matapos na mabawi sa kamay ng mga snatcher ang kanyang cellphone.

Ibinahagi niya sa social media ang tungkol sa pagkahablot ng kanyang cellphone sa Guadalupe Nuevo sa lungsod ng Makati.

Dahil dito pinasalamatan ni Alex ang mga kapulisan na tumulong sa kanya sa Guadalupe Nuevo Police Sub-Station 7.

Bukod sa mga pulis, pinasalamatan din ni Alex ang kanyang driver na hinabol umano ang mga snatchers at maging ang ilang mga motorista ay tumulong na habulin ang mga snatcher.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *