Love Bus sa Metro Manila
Metro

Love Bus sa Metro Manila, iminungkahing ibalik ng pamahalaan

INIREKOMENDA ni Senador  Imee  Marcos na dapat ibalik ang Love Bus sa Metro Manila para sa komportableng pagbiyahe ng mga commuters.

Ang Love Bus ang kauna-unahang aircon bus sa Metro Manila na pinatatakbo ng gobyerno.

Sa Love Bus, hindi pinapayagan ang standing passengers at may sariling drop-off at pick-up points na bumibiyahe noon mula sa Escolta, Maynila patungo ng Philcoa, Cubao at Makati.

Samantala, umapela din ang senadora sa transport department at Metropolitan Manila Development Authority na magdeploy ng karagdagang libreng sakay sa rutang dinadaanan ng LRT-2, lalo na sa Anonas, Katipunan at Santolan kung saan sarado pa ang operasyon ng mga tren.

Hiniling din ni Sen. Marcos sa LRT administration na bumalangkas ng pangmatagalang contingency measures para di na maulit ang aberya at ang napakalaking problemang idinudulot sa mga mananakay.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *