dinagdagan
Sports

Losing-streak ng Cleveland Cavaliers, dinagdagan ng Washington Wizards

NADAGDAGAN pa ang losing-streak ng Cleveland Cavaliers sa nagpapatuloy na NBA Regular Season.

Naitala ng Cavs ang kanilang ika-anim na pagkatalo matapos ang laban ngayong araw laban sa Washington Wizards.

Tinalo ng Wizards ang Cavs sa iskor na 124-112.

Nanguna naman para sa panalo ng Wizards si Bradley Beal na may 36 points habang nag-ambag naman sina Davis Bertans at Ish Smith ng tig-17 points.

Hindi naman sumapat ang 29 points ni Collin Sexton, 22 points ni Larry Nance Jr. At 21 points ni Kevin Love para iangat ang kanilang koponan sa laban kontra Wizards.

Sunod namang makakaharap ng Cavs ang koponan ng Chicago Bulls sa Linggo.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *