Los Angeles Lakers, kampeon sa 2019-2020 NBA Season

Los Angeles Lakers, kampeon sa 2019-2020 NBA Season

MULING nagkapeon ang Los Angeles Lakers sa NBA matapos ang makalipas ang sampung taon.

Ito ay matapos na tuluyang tapusin ng koponan ang kanilang kampanya sa 2019-2020 NBA Finals sa Game 6 ngayong araw.

Tinalo ng Lakers ang Miami Heat sa iskor na 106-93.

Nanguna para sa panalo ng Lakers si Lebron James na gumawa ng triple double performance na 28 points, 14 rebounds, at 10 assists.

Nakuha naman ni Lebron ang ikaapat nitong titulo bilang Most Valuable Player sa NBA Finals.

Sa ngayon, mayroon ng 17th championship titles ang Lakers sa NBA franchise history.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *