Lorenzana, pinuri ang katagumpayan ng AFP vs NPA at Dawlah Islamiya

Lorenzana, pinuri ang katagumpayan ng AFP vs NPA at Dawlah Islamiya

PINURI ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa dalawang magkasunod na tagumpay sa operasyon nito sa Bukidnon at Maguindanao.

Ang nasabing mga operasyon ng AFP ay nagresulta sa pagkamatay ng mga matataas na lider ng NPA at Dawlah Islamiya.

“The neutralization of Jorge ‘Ka Oris’ Madlos and Salahuddin Hassan through the sustained internal security operations of our troops is a big blow to these local terrorist groups, and a manifestation of the AFP’s commitment to secure the people against the threat of these lawless elements, especially in Mindanao,” pahayag ni Lorenzana.

Hinikayat naman ni Lorenzana ang publiko na magpatuloy sa kanilang pagsuporta sa pagsisikap ng pamahalaan sa laban nito para sa kapayapaan at kaunlaran ng bansa.

“As the NPA and other local terrorist groups become weaker due to the efforts not just of the security sector but of the whole nation, we call on the public to continue supporting our bid for peace and progress in our country,” ayon kay Lorenzana.

Nagpahayag ng pasasalamat si Lorenzana sa tropa ng 4th at 6th Infantry Division at ng Philippine National Police (PNP) dahil sa laban ng mga ito kontra sa terorismo sa bansa.

“Patunay ang tagumpay na ito sa pinalakas na kapasidad ng AFP at ng pinaigting na suporta ng taumbayan sa ating laban kontra sa terorismo,” dagdag ni Lorenzana.

Kahapon lamang ay namatay ang most wanted na si Jorge ‘Ka Oris’ Madlos kasama ng NPA medic na si Eighfel Dela Pena alias Pika/Maui sa isang engkwentro ng tropa ng militar sa Sitio Gabunan, Barangay Dumalaguing, Impasugong sa Bukidnon.

Samantala, namatay ang lider ng Dawlah Islamiya na si Salahuddin Hassan kasama ang kanyang asawa sa Barangay Damablac, Talayan sa Maguindanao sa engkwentro ng tropa ng militar noong Oktubre 29.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *