DDS
National

Lorenzana, pabor sa planong pagbuo ng DDS

Pabor si Defense Sec. Delfin Lorenzana sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng Duterte Death Squad (DDS).

Para ipantapat laban sa Sparrow Unit o Hit Squad ng New People’s Army (NPA).

Sa kabila nito, iginiit ni Lorenzana na kailangang mga sundalo ang bubuo sa DDS sa halip na armasan ang mga sibilyan.

Ayon sa Defense Secretary, malaking panganib kung mga sibilyang aarmasan para maging miyembro ng DDS.

Dahil hindi ito kontrolado ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa panig ng AFP, sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato na kung bubuo ng anti-sparrow unit squad ang AFP ay kailangan itong manggaling sa elite forces.

Tulad ng scout ranger, special forces at iba pa upang matiyak na mga asintado at hindi sasablay sa target.

Una nang inihayag ni Pangulong Duterte na plano niyang kunin na miyembro ng Duterte Death Squad ay ang mga rebel returnees na dating miyembro ng NPA.

Planong pagbuo ng squad ni Duterte, umani ng ibat-ibang reaksyon

UMANI ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga senador ang planong pagbuo ng squad ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga rebelde.

Ayon kay Senator Koko Pimentel III, hindi ito maaring gawin at tiyak niyang hindi bubuo ng death squad ang pangulo.

Nabahala naman si Senadora Grace Poe sa naiulat na planong pagbuo ng squad.

Subalit kailangan muna niyang malaman kung ano ang konteksto nito.

Gayunman, aniya, may batas na sinusunod sa bansa at ito pa rin ang mananaig at may proseso sa kahit na anong sitwasyon.

Naniniwala naman si Senador Antonio Trillanes IV na may layunin ng planong pagbuo ng death squad ng pangulo.

Aniya ay para mailihis ang atensyon sa mga mainit na isyu ngayon na kinakaharap ng administrasyon.

Gaya aniya ng Memorandum of Understanding ng Pilipinas at China, kwestyunableng pag-award ng bagong telco player at P11B shabu shipment.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *