National

Lopez umaasang itutuloy ni Cimatu ang nasimulan niya sa DENR

Umaasa si Gina Lopez na itutuloy ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang kanyang mga nasimulan sa naturang ahensiya.
Ayon kay Lopez, una sa kanyang payo kay Cimatu ay ipagpatuloy ang development trend sa DENR.
Nais aniyang makita ng dating kalihim na itinutuloy ni Cimatu ang mga sinimulan niyang polisiya sa kagawaran gaya ng bagong polisiya sa pagpapatitulo ng lupa.
Handa naman aniya si Lopez na tulungan ang bagong DENR secretary.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *