‘Long and lasting peace’ ng Duterte admin sa bansa, malapit nang makamtan —Pastor Apollo

‘Long and lasting peace’ ng Duterte admin sa bansa, malapit nang makamtan —Pastor Apollo

ISA sa mga pangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay ang  pagtatamo ng ‘long and lasting peace’ sa Pilipinas.

Ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ, malapit na itong maramdaman ng bawat Pilipino.

Isa sa mga isinusulong na reporma ni Pangulong Duterte ay ang pagpapaigting ng pagpapatupad ng katahimikan at kaayusan sa bansa.

Sa ilalim ng kanyang pamamahala, pinalakas ni Pangulong Duterte ang kampanya laban sa terorismo, kriminalidad at iligal na droga, kung saan mas pinaigting din ang pagkakaisa ng pamahalaan at taumbayan o ang ‘Whole-of-a-Nation’ approach para mapagtagumpayan ito.

Kaya naman para kay Pastor Apollo, sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Duterte ay malapit nang makamtan ang kapayapaan na inaasam ng bansa.

“Sa awa ng Dakilang Ama, malapit na nating makamtan ‘yan. Kasi kapag ang taong namumuno sa atin ay kinakasihan ng Dakilang Ama sa langit, siguradong ang pagpapala ay bubuhos. At isa nang pagpapala yung longer lasting peace, long lasting peace na inaasam-asam ng bawat isa sa atin,” pahayag ng butihing Pastor.

Sa ngayon, mas pinalalakas pa ng Duterte administration ang hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP) sa pamamagitan ng modernization program sa paglalayong matuldukan ang kriminalidad at terorismo sa bansa.

Dagdag pa rito, binuo rin ng gobyerno ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na naglalayong wakasan ang problema ng insurhensya sa Pilipinas upang tuluyang matamo ang tunay na kapayapaan at kaayusan sa Pilipinas.

SMNI NEWS

BASAHIN:

—Pangulong Duterte, template ng leadership sa Pilipinas —Pastor Apollo C. Quiboloy

—Department of OFW Bill, kinakailangan nang maipasa —Pastor Apollo C. Quiboloy

—Taumbayan, hindi na maloloko —Pastor Apollo C. Quiboloy

—Pnoy, dapat dumalo sa planong pagpupulong kaugnay sa isyu ng WPS —Pastor Quiboloy

—Pangulong Duterte, bumisita kay Pastor Apollo sa Davao City

—Pastor Apollo C. Quiboloy sa guilty verdict laban kay Trillanes: ‘No one is above the law’

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *