CDC-Ph: Lockdown, hindi solusyon laban sa COVID-19

CDC-Ph: Lockdown, hindi solusyon laban sa COVID-19

MARAMI nang natutunan ang mga eksperto ngayong halos sampung buwan nang nananalasa ang COVID-19 sa buong mundo.

Ito ay ayon kay Concerned Doctors and Citizens of the Philippines o CDC-Ph Spokesperson Mari Kaimo sa panayam ng SMNI News.

Ayon kay Kaimo, “marami na tayong natutunan ngayon na hindi natin alam noon. So it supports our case na hindi dapat, ang level natin of fear ganito kataas. Puwede na pong ibaba (ang lockdown) dahil meron na po tayong scientific basis to determine that lockdowns are not helping and that is not the answer.”

Panukala ng CDC-Ph ang prevention at early treatment gamit ang hydroxychloroquine o HCQ at zinc laban sa COVID-19.

Gamit ang nasabing medical intervention, isinusulong ng grupo ang home quarantine method para doon sa mga mild COVID-19 cases nang hindi na magsiksikan pa ang mga pasyente sa opistal.

Nais din ng grupo na maiwasan ang pagkaospital at pagkasawi ng isang pasyente dahil sa hindi agad nalapatan ng paunang lunas laban sa nakamamatay na virus.

“We are suggesting is early treatment of the disease when it is found, when it is spotted and prophylaxis for the high- risk,” giit ni Kaimo.

Samantala, nilinaw rin ni Kaimo na hindi isang kontrobersyal na gamot ang HCQ.

Katunayan, animnaput limang taon na raw itong ginagamit sa bansa simula nang pinahintulutan ito ng Food and Drug Administration (FDA) noong 1955.

Unang ginamit ang HCQ laban sa mga sakit na malaria, rheumatoid arthritis at lupus.

Mas maganda na ngang gamitin ito ayon kay Kaimo lalo pa na may kasama na itong zinc na siyang tutulong rin para labanan ang virus sa loob ng katawan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *