Actress na si Liza Soberano
Showbiz

Actress na si Liza Soberano, muling isasailalim sa finger surgery

MULING sasailalim sa surgery ang Actress na si Liza Soberano.

Matapos ang ilang linggong pananahimik, ibinahagi ni Liza sa kaniyang Instagram account ang isinagawang operasyon sa kaniyang fingery injury.

Kwento ng aktres, noong nakaraang buwan ng lumipad siya tungong Amerika upang sana tanggalin na ang plates sa inilagay sa kaniyang daliri.

Ngunit hindi aniya nadiskubre ng mga doktor na hindi pa fully healed ang kaniyang fracture at hindi ito inaasahang magkaroon ng infection.

Sa ngayon aniya ay patuloy ang kaniyang pagpapagaling at nag-aabang sa kaniyang susunod na surgery.

Maaalalang nagtamo ng severe finger fracture si Liza sa shooting ng dating pinagbibidahang fantasy serye na dahil upang bitiwan nito ang role bilang Darna.

 SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *