Liver spread brand Reno, muli nang mabibili sa merkado

Liver spread brand Reno, muli nang mabibili sa merkado

MULI nang mabibili sa merkado ang sikat na liver spread brand na Reno.

Ito ay matapos makakuha na ang manufacturer nito ng Certificate of Product Registration (CPR), dalawang linggo na ang nakararaan.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Head Eric Domingo, wala nang kulang na dokumento ang naturang liver spread at pumasa na sa kanilang panuntunan.

Setyembre nang balaan ng FDA ang publiko laban sa pagbili ng produkto dahil hindi ito nakarehistro sa kanila.

Una nang sinabi ng regulatory body na License to Operate (LTO) permit bilang food repacker lamang ang nakuha ng Reno Foods Incorporated at walang CPR.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *