Parojinog
National

Live-in partner ni Parojinog, hawak na ng pulisya

Iniharap sa PNP-Headquarters sa Camp Crame ang live-in partner ni Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog na si Mena Luansing matapos itong mahuli kamakailan ng mga otoridad.

Si Luansing ay Provincial Board Member ng Misamis Occidental ay naaresto sa bahay ng kanyang kamag-anak, noong nakaraang linggo ng madaling araw sa Parañaque City.

Sinabi ni P/Chief Supt. Edmund Gonzales, Director ng Police Intelligence Group, sumailalim na sa medical check-up at booking si Luansing bago ito ikinustodiya.

Nahaharap naman sa paglabag sa RA 10591 o Illegal Posession of Fire-Arms si Launsing habang ibabalik pa sa Ozamiz City ang warrant of arrest nito kung saan nagmula ang suspek.

Magugunita namang naaresto sa Taiwan si Ardot Parojinog na una ring nagtago matapos ang pagkakapatay sa raid sa kapatid nitong si Ozamiz Mayor Reynaldo “Aldog” Parojinog.

 Babaeng SAF member na naaktuhan sa pot-session, positibo sa drug test

 Samantala, humarap sa Camp Crame ang Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) member na si PO3 Lyn Tubig na naaresto matapos maaktuhang nakikipag-pot session sa Barangay Tuktukan, Taguig City.

Kinumpirma mismo ng PNP na positibo sa paggamit ng droga ang nahuling pulis.

Si tubig ay naka-aasign sa Pnp-Saf Support Battalion sa Camp Bagong Diwa.

Bukod sa droga, inaalam din kung sangkot ang naarestong policewoman sa kaso ng holdapan.

MJ Mondejar

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *