Listahan ng mga nominado sa 69th FAMAS awards, inilabas na

INILABAS na ang listahan ng mga nominado sa 69th Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) awards.

Nanguna sa mga nominado ng FAMAS ang Fantasy adventure na “Magikland,” romance drama na “on Vodka, Beers, and Regrets,” at Crime Thriller na “Watch list,” na nakakuha ng labing-isang nominasyon.

Nakakuha naman ng siyam na nominasyon ang coming-of-age drama na “Fan girl’’.

Tig-pitong nominasyon din ang nakuha ng drama thriller na “Untrue” at Zombie flick na “Block Z”.

Hindi pa inaanunsyo ng mga organizer ang petsa para sa nasabing awarding ceremony.

SMNI NEWS