San Juan City
Metro

Lider ng NPA, arestado sa San Juan City

ARESTADO ang umano’y lider ng New People’s Army (NPA) sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Kinilala ang suspek na si Jaime Padilla na may standing warrant of arrest para sa multiple murder.

Ayon sa pulisya, naaresto si Padilla ng mga tauhan ng Eastern Police District at Criminal Investigation and Detection Group – National Capital Region matapos makatanggap ng impormasyon sa kinaroroonan nito.

Pinaniniwalaang tagapagsalita ng npa Southern Tagalog si Padilla.

Sa ngayon ay dinala na ang umano’y NPA lider sa CIDG-NCR Office sa Camp Crame.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *