Major Rodney Raymundo Baloyo IV
National

Lider ng ninja cops na si Major Rodney Raymundo Baloyo IV, pina-contempt ng Senado

PINA-contempt ng Senate Blue Ribbon Committee kahapon sa pagdinig si Major Rodney Raymundo Baloyo IV.

Ito ay dahil sa paulit ulit  na pagsisinungaling nito sa ginagawang probe para sa illegal drug recycling na naganap noong 2013.

Si Baloyo ang namuno ng drug raid sa Pampanga noong Nov. 29, 2013 sa isang subdivison sa Mexico Pampanga  kung saan tinago at ni-recyle diumano nito kasama pa ang 13 Pampanga police ang 160 kilogram na shabu na kanilang nakumpiska.

Paulit-ulit ding sinabi ni Baloyo na naganap ang raid alas kwatro ng hapon gayong ayon sa mga witness at imbestigasyon ng cidg group ay naganap ang raid  ng 10:00 ng umaga.

Pinabulaanan din ni Baloyo na wala siyang nakitang pera sa raid, pero hindi na nakatanggi ng ipalabas ng Senado ang isang video ng news report ng nangyaring raid kung saan makikita ang bulto bultong shabu at pera.

Ikinulong si Baloyo sa New Bilibid Prison para mabigyan ng mabigat na kaparusahan ang pagsisinungaling nito sa pagdinig.

BuCor officials Veronica Bunyo at Maribel Bansil pina-contempt ng Senado

Pina-contempt din ng Senate Blue Ribbon Committee ang dalawang Bureau of Corrections officials  na sila Veronica Buno at Maribel Bansil dahil sa pagsisinungaling sa kanilang partisipasyon sa “Good Conduct Time Allowance for Sale” scheme sa NBP.

Sa mga nagdaang pagdinig ay pinabulaanan ng dalawa na nakipag-ugnayan sila sa isang witness  at  asawa ng inmate na si Yolanda Camilon para sa  maagang paglaya ng asawa nito kapalit ng P50, 000.

Matatandaan naman na paulit-ulit na itinanggi ni Bansil na siya ang lumapit kay Camilon para makipagnegosasyon kapalit ng maagang pagpapalaya ng asawa nito.

Samantalang pinabulaanan naman ni Buno na hindi niya kilala si Camilon o nakikipag-usap dito sa telepono para sa kanilang mga transaksyon.

Pero sa ulat ni National Bureau of Investigation Chief Dante Gierran Batay sa kanilang mobile forensic investigation ay kinumpirma nito na may komunikasyon nga si Buno at Camilon na naging dahilan para i-contempt ng Senate Blue Ribbon Committee ang dalawang BuCor officials.

Nakapagpasya naman ang komite na sa halip na sa NBP ikulong ang dalawa ay sa basement na lamang ng Senado para sa kanilang seguridad.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *