Libya
International

Mga pinoy sa Tripoli, Libya, pinag-iingat

PINAG-iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy sa Tripoli, Libya matapos sumiklab ang kaguluhan doon.

Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Tripoli, nasa anim na ang nasawi at mahigit 20 ang nasugatan sa kaguluhang sumiklab.

Nangyari ito sa Qasir Ben Ghashir District mula pa noong Miyerkules.

Sinabi ng DFA na pinapayuhan ang mga Pinoy na nasa Qasir Ben Ghashir, Wadi Al Rabea, Tariq Matar, Esbea.

Kabilang ang mga kalapit na distrito sa Tripoli.

Hinikayat ang mga ito na lumipat sa mas ligtas na lugar na malayo sa kaguluhan.

Ang mga nasa ibang lugar naman ng Tripoli ay pinapayuhan na imonitor ang sitwasyon, manatili sa loob ng bahay.

At maging handa sakaling umabot sa kanilang lugar ang kaguluhan.

Tinatayang nasa 1,800 Pinoy ang nasa Tripoli.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *