Libungan Mayor Christopher Cuan at driver, patay sa pananambang

Libungan Mayor Christopher Cuan at driver, patay sa pananambang

PATAY ang alkalde ng Libungan, North Cotabato na si Mayor Christopher “Amping” Cuan matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga suspek kaninang umaga.

Kabilang sa nasawi ang drayber ni Cuan na si Edwin Navarro Ihao.

Naganap ang pamamaril sa Barangay Cabayuran ng nasabing bayan dakong alas 10:30 ng umaga kanina.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulis, patungo ang biktima at ang kanyang drayber sa isang konstruksyon ng cockpit arena sa kanyang bayan para sa inspeksyon nang tambangan ang mga ito ng mga armadong kalalakihan sakay ng isang blue sports utility vehicle.

Mababatid na isa si Mayor Cuan sa listahan ng narco list na binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na itinanggi naman ng una.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *