PASAHERO SA PANTALAN
National

Libu-libong pasahero, stranded dahil sa Bagyong Usman

Umabot na sa mahigit labing tatlong libo animnadaan ang mga na-stranded na pasahero sa mga pantalan sa Eastern Visayas, Bicol Region at Northern Mindanao dahil sa Bagyong Usman.

Sa tala ng Philippine Coast Guard, pinakamaraming stranded sa Bicol Region na umaabot sa 4,842, sinundan ng Eastern Visayas na 4,711, habang 1,296 naman sa Southern Visayas.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasa 1182 rolling cargoes, 96 barko at 25 motor banca ang stranded sa ilang pantalan sa Southern Leyte, Northern at Western Samar at Dinagat.

Pinapayuhan din ang lahat ng units ng pcg na siguraduhin na mahigpit na ipinatutupad ang guidelines sa movement ng mga barko sa kasagsagan ng masamang panahon.

Operasyon ng mga bus na may roro trips sa mga lugar na may banta ng Bagyong Usman, sinuspinde ng LTFRB

Pansamantalang pinasuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng mga bus na may roro trips patawid sa mga lugar na may warning signal dulot ng Bagyong Usman.

Batay ito sa inilabas na direktiba ni LTFRB Chairman Martin Delgra para sa mga bus operator.

Kaugnay nito ay sinuspinde na ng Philippine Coast Guard ang lahat ng sea travels sa Sorsogon, Masbate at Ticao Island sa Luzon.

Gayundin sa Northern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Northern Cebu at Camotes Island sa Visayas maging ang Dinagat Island sa Mindanao dahil sa Tropical Depression Usman.

Nakataas din ang gale warning sa eastern seaboard ng Mindanao, kabilang ang Surigao Provinces at Siargao Island.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *