Libreng training at allowance sa Camarines Sur, ipinamahagi

Libreng training at allowance sa Camarines Sur, ipinamahagi

SA ilalim ng Ka Fuerte program ng lokal na pamahalaan ng probinsiya ng Camarines Sur ay muling nakatanggap ang mga iskolars nito ng libreng training at allowance na makakatulong sa kanilang hanap-buhay.

Upang magkaroon ng panibagong pangkabuhayan at magkaroon ng pag-asang makapasok ng trabaho ang mga kababayan nito ngayong panahon ng pandemya, ang mga iskolar ng Ka Fuerte Skills Training Program ay muling natulungan ng gobyernong lokal.

Umabot sa 25 na iskolar ng Ka Fuerte Skills Training Program sa kursong assemble electronics products ang nakatanggap ng kanilang allowance na nagkakahalaga ng P2,080.00.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang serbisyong medical na hatid ng mga medical backpackers o ang Ka Fuerte Health Care on-the-go team, at sa pagkakataong ito ay ang parte ng Rinconada area at Iriga City naman ang nahatiran ng mga libreng gamot at konsultasyon lalo na ang mga nasa malalayong lugar.

Nagpapatuloy ang mga programa ng gobyerno lokal ng Camarines Sur sa pagbabahagi ng mga training programs, medical, burial, food assistance, educational assistance at iba pa.

(BASAHIN: Rehab-fund for vegetable farmers ng Sorsogon at Camarines Sur, ipinagkaloob ng DAR at DTI)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *