Libreng swab testing sa mga workers, pinaigting sa Lungsod ng Maynila

Libreng swab testing sa mga workers, pinaigting sa Lungsod ng Maynila

SINIMULAN na ang pinaigting na swab testing sa mga manggagawa ng mall, jeepney drivers at market vendors sa Lungsod ng Maynila.

Kabilang sa mga lugar na nagsagawa ng swab testing ang Pritil Market, Baseco Covered Court, at basement lobby ng Robinson Place Manila, Lucky Chinatown Mall, SM City Manila at SM City San Lazaro.

Matatandaan nito lamang nakaraan linggo nang pasinayaan ng Manila City Government ang ikalawang RT-PCR Molecular Laboratory ng lungsod na matatagpuan sa Sta. Ana Hospital kungsaan ito ay may kakayanang makapag-test ng 1,000 bawat araw.

Sa inilabas na Executive Order No.39, sasailalim sa libreng RT-PCR testing ang mga empleyado sa lokal na pamahalaan ng Maynila.

Kabilang din sa nasabing test ang market vendors, mall employees, supermarket workers, hotel staffs, restaurant workers, e-trike, tricycle, pedicab, jeepney at bus drivers.

Una na ring ipinag-utos ni Mayor Isko Moreno sa mga pinuno ng Bureau of Permits and Licensing Office, Department of Tourism, Culture and Arts of Manila at Manila Traffic and Parking Bureau na i-require ang mga establisyimento na magsulat sa mandatory health declaration form para sa posibleng contact tracing.

Samantala target naman ng Manila Traffic and Parking Bureau ang makapag-test ng 300 public utility drivers bawat araw sa hindi bababa sa 24,000 na mga driver ng Lungsod ng Maynila mula sa pedicabs, trycles, jeepneys at e –trikes.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *